Aray!

Posted in Uncategorized on February 21, 2008 by jirochris

Kung ang tingin ng ibang tao ay plastik ako… pwes hindi! marunong akong makisama sa kaibigan. Tao lang din ako may hangganan ang pasensya, at lahat ng nakapost sa blog ko ay totoo anupa’t kasama sa blogroll ko yung mga taong lubos na nakakakilala at nakakakita sa aking kung puro kasinungalingan lang yung ilalagay ko sa blog ko. Hindi ako nagpopost ng blog para sumikat! nagsusulat ako para makilala ng tao kung sino talaga ako at kung anu ang mga pinagdadaanan ko. Kung sa tingin ng ibang tao na plastic ako di ko sila masisisi, kung minsan may nasasabi akong di akma at taliwas sa pandinig ng iba dala lang yun ng minsa’y pagiging possesive. Pinapangalagaan ko yun mga barkada ko, nakikisama ako sa kanila dahil masaya akong kasama sila kahit na sentro ako ng asaran at pikonin sa barkada. Masakit sa aking sabihan akong “PLASTIK”, pero ito lang ang sasabihin ko sa inyo simula’t sapul pa lang itinuring ko na kayang bahagi ng buhay ko, at yung sinasabing samaan ng loob??? CHARING! lang yun, syempre di mawawalan ng karir sa barkada. At yung nagsasabing at nag iisip na gawa-gawa ko lang yun babae na GF ko sa blog ko, di ko itatanggi yun dahil kahit na ipinanganak akong silahis may karapatan pa rin akong magkaroon ng GF. Mag- iisang taon na kami ng GF ko at alam niyang silahis ko yun ang totoo. Sana kung nababasa nyo to maintindihan nyo ang pinagdadaanan ko, kayo lang ang itinuturing kong pangalawang kapatid. Wag nyo na sanang sasabihin at iisiping PLASTIK ako sa inyo….. kasi sa totoo lang masakit sa akin ang masabihan ng ganun lalo na galing pa sa mga itinuring kong tunay na kaibigan, syempre bawat tao ay may kanya-kanyang ugali na dapat intindihin at tanggapin.

Masayang Gabi

Posted in Uncategorized on February 20, 2008 by jirochris

Photobucket
Binabalot na ng dilim ang buong paligid, bagamat gabi na’y tila di nababawasan ang mga tao na nagdaraan sa buong looban. Sari-saring boses ang maririnig; mga batang nagtatakbuhan, mga tambay na naghihiyawan at mga aleng walang humpay sa kakabalita tungkol sa buhay ng iba. Habang nagtutumpukan kami magbarkada,”Nomo tayo mamaya ha”wika nya. “Aba! mukhang may anda tayo ngayon ah” patanong na ganti ni JhayR, di katagalan habang naghahanda sila para sa magaganap na inuman, ” Uwi muna ako ha, ligo lang ako ” paalam kong wika sa kanila. Nang makauwi na ako sa bahay namataan ako ng aking ina ” Hoy! Jayze! bago ka maglakwatsa labhan mo muna yung mga damit mo maghati tayo sa labahan ngayon! ” wika ng mainiting ulo ng aking ina. Habang iniipon ko ang tubig na gagamitin ko sa paglalaba nakaramdam ako ng pagkainip wari’y di makapag antay sa salo-salong inuman namin magbarkada. Hindi namn nagtagal ang aking paglalaba halong isang oras din na nagkukusot ang aking mga kamay sa mabulang palanggana. Maya – maya ay binanlawan ko na ang mga nalabhan na damit, tila buhos ang lahat ng aking lakas para lang mapiga ng maayos anong mga madudulas at masasabon pang mga damit. Halos tapos na ang aking trabaho, dali – dali kong hinanda ang aking panligo at nang makapag igib na ako agad akong tumungo sa banyo. Malamig ang tubig na pawang nanunuot buong kalamanan ko. Ilang sandali pa’y natapos rin ang aking paliligo agad akong nagbihis at nag aayos. Batid kong handa na ako para magaganap na inuman tumungo ako sa tamabayan at dun naabutan ko sina JhayR at Denz. ” Diyan ka muna Jayze ha may pupuntahan lang kami ” paalis na wika ni JhayR kasama di Denz.  Di katagalan ay sumunod ako sa kanila naalala kong may kukunin pa akong gamit dun sa kabarkada kong nag aayos ng cellphone sa isa sa mga malls dito sa amin. Hindi rin ako nagtagal sa mall at nang makuha ko na ang aking pakay ay dumiretso na ako sa tambayan. Naroon na silang lahat nang, ” Hoy! nagtext ako sayo ah! sabi ko yung pitsel at yung baso dalhin mo! ” wika ni Denz, agad kong kinuha yung pitsel at baso. Bumalik ako dala-dala ang hinihingi nila nang masalubong ko si Jaypee ( ang taong napalit sa akin kahit nung unang araw pa lang ng aming pagkakakilala ), ” Jayze inuman kayo???” salubong na tanong sa akin ni Jaypee, ” Ewan ko kina Dilan… siguro ” sagot ko sa kanya. Nang makapasok na ako sa kwartong tinatambayan namin magbarkada, “Jayze salinan mo na ng tubig yung pitsel ” pautos na wika ni Dilan, dali-dali kong sinalinan ang pitsel at saka pumasok sa kwarto. Habang abala sa pagtitimpla si Dilan ng aming iinumin ay bahagyang nakabukas ang pinto na tila anumang oras ay may bigla sisilip at papasok para makisali sa maliit na inuman na aming gaganapin. Tapos nang maghalo si Dilan….di ko napansin na nasa pintuan si Jaypee wari’y nagbabadyang papasanpa’t makikiinom din. Pumasok si Jaypee na parang kabilang sa inuman pero hinayaan nalang namin para medyo magkaroon naman kami ng bagong kakwentuhan. ” Dilan di ba may nakaraan kayo ni Jaypee??? ” paasar na tanong ni Denz, ” Ah ewan ko sayo Denz! wala kaming nakaraan noh! kunwari lang yun para pagselosin yung mahal ko ” sagot ni Dilan. ” Asus! tatanggi ka pa! huli ka na nga ehh kaya mo nga siya hiniwalayan diba kasi nahuhulog na yung loob mo sa kanya! “patuloy na pang aasar ni Denz, ” Ay hindi kaya! wag kayong maniniwala diyan kay Denz! sige Denz ituloy mo at aalis ako! sige lang aalis talaga ako! “pabantang sagot ni Dilan na tila pikon na sa mga sinasabi ni Denz. Saglit na katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Nagubad si Denz ng suot na t-shirt “ang init naman! Jaypee payakap ha! ” lambing na wika ni Denz, “Uy! Denz wag kang ganyan may magseselos!”babala na wika ni Dilan. ” Ok lang yun Dilan kahit naman nung kagabi pa mang aagaw na yan ehh! hehehe!!! Joke! ” pabirong pasok na wika ni Jayze. Matapos ang mala love triangle na biruan namin ay nauwi ang lahat sa kantahan at biritan. Tahimik lang kaming dalawa na Jaypee, habang pinagmamasdan ang mga kasama naming halos n mapatid na ang ugat sa kakabirit ng kanta. Halos wala nang laman ang pitsel, tira-tirang yelo nalang ang naiwan, nauna nang lumabas si Jaypee ” Uwi muna ako ha! ” wika nya sa amin, ” Ay nako Jaypee di ka na babalik ” wari’y pinipigilan si Jaypee ni Denz, ” babalik ako promis ” sagot naman ni Jaypee.  Hindi pa rin nakakabalik si Jaypee at wala na rin kaming maiinom, nagpasya kaming lumabas na sa kwarto at dumiretso kami sa labas ng bahay upang doon kami magkatuwaan, para kaming bata nila Dilan at Denz nag naglalaro ng streetfighter at syempre kunyari ako si Ryu, si Denz naman si Chun Li at si Dilan ay si Storm daw!!!! streetfighter ba nyun???? hehhehe at yyun ang isa sa masasayang gabi nag nagiinuman kami magbarkada, sayang nga lang wala di King.

Dedma

Posted in Uncategorized on February 19, 2008 by jirochris

Photobucket

Inaamin ko lasing ako nang nabasa ko yung mga comments tungkol sa blog ko yung pinamagatang “ANG PAGKAKAMALI”. Nakarecieve ako ng 3 comments mula sa ibang tao, di ko maitatangging nasaktan ako sa mga sinabi nila, may ibang nagsasabing malandi daw ako, ang iba nama’y boring daw yung post ko pero ang most na nakaagaw ng aking atensyon ay yung nagsabing pakantot daw akong bakla…. ok lang sa akin kung anuman yung naging opinyon niya sa post ko ginagalang ko yun kung yun ang masasabi nya, Well guys isa akong lalake na naghahanap sa aking tunay na kasarian, ni di man lang ako marunong bumirit tulad ng ibang gays or bisexual, although kaya kong lumandi pero di ako masyadong napapasin kasi wala sa dating ko ang pagiging bakla…. may taga sa amin nag nagsabi sa akin na di raw ako bagay maging gay dahil daw sa malaki katawan ko, di ko nga kayang mag suot ng pambabaeng kasuotan…. masaklap man ang pinagdadaanan ko ngayon pilit akong tumatayo at lumaban para lang mahanap ang aking tunay na kaligayahan at kung anu ang lugar na dapat kong kalagyan sa mundong ibabaw….. kung ang inaakala ng nakararami na ako ay isang malandi at kalagkaring lalaki nasa inyo yun, malaya kayong isipin kung anu ang gusto nyong isipin basta ako patuloy pa rin akong naglalakbay at naghahanap sa tunay na katotohanan…. at kung daumating man ang panahon na isa talaga akong bakla tatanggapin ko yun nang walang pagiimbot at paghihinayang sa aking sarili dahil ako ay namumhay ng lubos na masaya at walang sinasagasaan na kahit sinumang nilalang………… masyado na akong nagiging madaldal pasensya na ha nakainom kasi at dun sa nag comment sa akin na pakantot daw akong bakla “DEDMA”

Posted in Uncategorized on February 19, 2008 by jirochris

Saglit akong pumuslit sa bahay para lang mag bukas ng blog ko. Wala pa akong comment kaya maya maya na ako gagawa na bagong post ko.

Ang Pagkakamali

Posted in Uncategorized on February 18, 2008 by jirochris

Photobucket

Gabing magkakasama kami magbarakada habang nagkakatuwaan kami may isang guy na tagaroon sa amin na lumapit kay Dilan syempre ako dedma lang maya’t maya pinakilala ako ni Dilan sa kanya, kapangalan ko rin siya. Nilarawan ni Dilan na malaki daw yung notes nun at ako naman parang na enganyo kaya gusto kong malaman kung totoo nga. Sa umpisa nagkakahiyaan pa kami pero sa huli sinubok namin yung isa’t isa, pumunta kami ni Jezcie sa bahay, ramdam kong lasing siya kaya malamang malaya akong gawin sa kanya anuman ang gusto ko at nung dumating sa punto na nakita ko at nahawak ko na yung pinagmamalaki nila Dilan dun ko napatunayan na talagang halimaw pala ang alaga nadala na ako parang naakit ako sa kargada niya. Di katagalan pinatalikod ako ni Jezcie gusto na nyang pumasok sa loob ako, sumubok ako at nagparaya sa inaakalang kakayanin ko ngunit upang matagumpay ang lahat kumuha ako ng pampadulas. Sa kakahanap nahagip ng aking mata ang isang feminine wash, di ko alintana kung anu ang mararamdaman ko at nang inilapat na namin sa bawat bahagi na aming gagamitin ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng hapdi. Ang akala ko ako lang nakakaramdam ng hapdi pati rin pala si Jezcie, inaakalang panandalian lang sakit… nagkamali kami tumagal pa ito haggang sa hindi nalng namin ni Jezcie itinuloy. May halong panghihinayang at saya ang naramdaman ko noon, panghihinayang kasi di ko man lang nadama kung ano pakiramdam nang pasukin ng malahalimaw na karagada at saya dahil di ko mararamdaman ang sakit. At tapos nun bumalik kami kina Dilan na bigo at parang wala lang nangyari…………

Malayo Ka Man

Posted in Uncategorized on February 16, 2008 by jirochris

sad

Like my other valinetines events its always “zero”. Year 2008 valentines? super sad pero kahit papano my friends are always there to pour laughters and jokes kaya agad nawawala yung lungkot ko. Well guys i have a gf malapit na kami mag 1 year, great challenge sa akin kasi first time ko makipag relasyon sa girl. I always thinking of some questions…kaya ko kaya? tatagal kaya kami? sabagay mahal ko nman yung tao kaya no matter what. Noong unang araw na naging kami i just thought its all just a play kasi diko akalain na seseryosohin ko siya di ko kasi alam yung feeling n mainlove sa babae, lumipas ang ilang buwan she always texted and call me at naappreciate ko namn yun. Nag-umpisa akong makaramdam ng kakaiba sa kanya parang bang everytime na tumatawag sya abot-abot ang saya ko tapos i always thingking of her then i ask myself do i love her??? then saka ko pinagpatuloy yung relasyon namin ng walang halong pagsisisi, nasa namn lahat ng mga qualification na hinahnap ko sa isang babae at ang pinakamaganda sa kanya she’s super bait…. Di mawala sa amin na mag isip kung anu yung nangyayari sa bawat isa sa amin di kasi namin nasususbaybayan ang bawat isa sa amin, sa ngayon kami nsa isang relasyon kami na tinatawag na long distance relationship. Sabi ko sa kanya basta may tiwala lng siya sa akin wla kaming magiging problema kaso di ko maiwasang gumawa ng kabulastugan ehhhh…. Pero alam niya kung anu pinag gagagawa ko…. Alam nga ng gf ko na yung mga nauna sa kanya sa akin eh hindi girl hehehe may mga nakarelasyon kasi ako dating same gender naintindihan namn yun ng gf ko…akala ko magagalit siya pero i felt wrong she accept me of what i am sarap talaga ng feeling nang may nakakaintindi sayo. For me she’s the best girl i ever had… Although may gf n ako bumabalik pa rin sa akin yung mga nakaraan ko at nais kong i-share yun sa inyo. Next time gagawa ako ng entry hope you read it guys

Winx Club!!!!

Posted in Uncategorized on February 15, 2008 by jirochris

Photobucket

Iba talaga pag buo ang barkada, masaya at syempre di mawawala ang biruan. Noong nasa Tarlac sila Denz at King parang nagkaroon ng kulang… syempre nawalan kami ng barkadang malakas magbiro heheheh (yun lang!). Nang mga oras na wala silang dalawa naging masaya naman yung bawat gabi na lumipas na kaming tatlo lang nila JhayR , Dilan at ako, nagkaroon kami ng pagkakataong gawin ang mga bagay na lumipas na noong kabataan pa namin gaya ng larong “10-20 at luksong lubid”. Noong mga unang gabi na ginawa namin yun nila Dilan at JhayR akalain nyo bang pa namin yung mga bata na sobrang enjoy sa paglalaro hehehe…. syempre kasunod nun? sakit ng binti. JhayR kampante lang sa kakatalon, sabagay may advantages naman kasi kay JhayR yung laro namin, sa payat at tangkad ba naman eh kayang kaya niyang dalhin yung sarili niya mala-sigben kung lumundag. Si Dilan naman ramdam na ramdam sa sarili ang ginagawa nya basta lundag lang hanggat kaya niya, at ako naman wala pa rin pinagbago tulad pa rin nung bata pa kami lagi paring nahuhuli sa laro. Kahit na nawala sila Denz at King ng ilang araw naging masaya pa rin kami at syempre advantage sa akin yung wala si Denz kasi walang mang aasar sa akin hehehheh joke lang!